49

Oct 7, 2021 @ 16:18
By

Cayetano tatakbo sa pagkasenador

Nagdeklara na si Taguig-Pateros City Rep. Alan Peter Cayetano nang pagtakbo sa pagkasenador sa 2022 elections.

“I am running for senator to work for a just and humane society, and establish a government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony,” sabi ni Cayetano.

Inanunsyo ni Cayetano ang kanyang plano sa harap ng kanyang mga suporter sa Senator Rene “Companero” Cayetano Memorial Science and Technology High School sa Taguig bago pumunta sa Sofitel Philippine Plaza upang maghain ng certificate of candidacy.

Habang nasa Kamara de Representantes binuo ni Cayetano ang Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso na ngayon ay pinalitan niya ng Balik Tayo sa Senado.

Inabandona ni Cayetano ang kanyang opsyon na tumakbo sa pagkapangulo upang maiwasan umano ang lalong pagkakahati-hati ng bansa.

“I will try to be a peacemaker. Perhaps we can agree on a five or 10-year plan. Let’s set aside our colors – yellow blue etc. Let’s unite,” wika pa ng solon.

Si Cayetano ay isa sa mga nangunguna sa senatorial survey na inilabas ng Pulse Asia kamakailan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?