196
Cayetano sinisi si Drilon sa kapalpakan sa SEA Games
Nov 26, 2019 @ 15:35
By

Cayetano sinisi si Drilon sa kapalpakan sa SEA Games

Inihayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang mga nararanasang aberya sa pagho-host ng bansa sa 30th Southeast Asian (SEA) Games ay resulta ng pagka-delay sa pagpapasa sa 2019 budget.

Ipinunto ni Cayetano na si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kumilos para tapyasan ang budget para sa SEA Games at ilipat ito sa Philippine Sports Commission (PSC).

“It was Senator Drilon who moved the budget of the SEA Games to the PSC and it was Senator Drilon who proposed cutting it by 33%…” pahayag ni Cayetano.

“Siya ‘yung nagle-lead ng criticism. Siyempre nandoon ako sa Senate, alangan namang magbastusan kami. Nakukuwento ko lang ‘yan in context na we need better communication,” dagdag pa niya.

Matatandaang una nang sinabi ni House Deputy Speaker Mikee Romero na “partly to blame” ang Senado kabilang na si Drilon sa pagka-delay ng budget approval.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?