48

Oct 1, 2020 @ 14:27
By

Cayetano sinayang oras ng taumbayan – Nograles

Ang pagpapaboto ni Speaker Alan Peter Cayetano sa mga mambabatas hinggil sa alok niyang mag-resign ay pagsasayang lang ng oras ng mga taxpayer.

Sabi ito ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles ngayong araw.

Kahapon, inalok ni Cayetano na magbitiw sa puwesto sa harap ng Kamara.

184 kongresista ang tinanggihan itong alok. May 1 namang sumang-ayon, at 9 nag-abstain sa pagboto kabilang ang Makabayan bloc na sinabing ang dapat bigyang-prayoridad ng Kamara ay pagtugon sa pandemya at hindi power struggle ng mga politiko.

Samantala, sinabi ni Nograles na hindi siya lumahok sa botohan at nag-walk-out na lang siya sa plenary hall.

Hindi aniya niya maatim na makisali sa “pagsasayang” ng legislative time gayong napakaraming kailangang talakayin hinggil sa panukalang P4.5-trilyong national budget para sa 2021.

“There is nothing in our rules that you can offer a resignation. Under our rules, you may resign, and the deputy speakers will decide among themselves who gets to be the acting Speaker until all members of the House are present to elect the new Speaker,” ani PBA Rep. sa ANC, Oktubre 1.

“He (Cayetano) did not resign. It was a waste of legislative time. Yes, we have personal and collective privilege [to speak as members of Congress] before the plenary, but that privilege should not be abused. Yesterday was an abuse of privilege. It’s sad.”

“Why did he charge it to taxpayers’ time?,” usisa niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?