45

Oct 22, 2017 @ 16:49

Cayetano sa Fil-Ams: Magpatak kayo!

Nagbilin si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa mga Filipino communities sa Estados Unidos na mag-ambag sa isinusulong na pagbabago sa Pilipinas.

Kasabay nito, ang kanyang papuri sa mga Filipino-Americans dahil hindi kinakalimutan ang kahulugan ng ‘pakikipagkapwa-tao’ at ‘bayanihan.’

Sa kanyang pagbisita sa US, sinabi nitong maraming pagkakataon na may nakaharap siyang mga Filipino at napatunayan na matibay ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

“Whether in big things or small things, it is our hope that you will always strive to make your own contributions to the change that we are all moving towards, as a people. Give back to our people, to your communities here and at home, the knowledge, the expertise, the experiences, the learning, the wisdom, that you have gained, from over the years since when you left,” ani Cayetano.

Ipinaalala din niya ang kahalagahan ng mga kultura ng Pilipinas dahil sa mga ito nakikilala ang mga magagandang katangian ng mga Filipino.

Sa US, nakausap din ni Cayetano si US Solicitor General Noel Franciso, ang kauna-unahang Filipino-American na nakahawak ng naturang posisyon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?