41

By

Cayetano pinuna ang sports politics

Pinuna ni Philippine Southeast Asian Organizing Committee (Phisgoc) chair Alan Peter Cayetano ang politika na nagaganap sa sports gayundin ang “bureaucratic processes” na nagiging hadlang sa paghahanda para sa pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games 2019.

Umapela din si Cayetano sa mga sports stakeholder na tigilan ang paglalabas ng intriga at fake news sa publiko dahil sa nagiging negatibo nitong imahe sa reputasyon ng bansa sa press conference Huwebes ng hapon sa Taguig City.

“We cannot afford miscommunications right now, or any misinformation because the SEA Games is just five months away,” sabi ng Taguig Congressman-elect, na sinamahan ni Philippine Olympic Committee chairman Bambol Tolentino at Phisgoc Chief Operating Officer Ramon Suzara sa aktibidad.

Hiniling din ni Cayetano sa ibang mga sports official na isantabi na muna ang kanilang personal na interes at tigilan ang pagbibitiw ng mga iresponsableng statement habang nanawagan sa mga kritiko nito na pag-usapan ang lahat ng mga bagay sa tamang lugar.

“Ang target kasi ng iba, sila ang magpatakbo ng SEA Games,” dugtong niya.

Siniguro naman nito sa kalagitnaan ng problema na nagaganap sa liderato ng Philippine Olympic Committee pati na sa sambayanan, kabilang ang mga stakeholder, sponsor at partner ng Games, na sa ilalim ng utos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nananatili ang Phisgoc bilang official organizing committee ng SEAG na susulong sa Nobv. 30-Dec. 11.

“We will not withdraw. There is no stopping the Philippines from hosting this year’s SEA games,” punto niya.

Idinagdag niya na ‘di rin nanghihimasok ang Phisgoc sa politika ng POC, aktibidad ng PSC Board, athletes union at maging sa National Sports Associations dahil ang tangi lamang nitong responsibilidad ay ang iorganisa ang SEA Games upang maging best-hosted at most viewed sa kasaysayan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?