84

Dec 15, 2017 @ 17:35
By

Cayetano pinitik si Joma sa kanyang refugee status

Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na hindi lang si National Democratic Front founding chairman Joma Sison ang pinatatamaan niya sa kanyang pahayag ukol sa pagkawala ng ‘refugee status.’

Ayon kay Cayetano sinagot lang niya ang tanong patungkol sa posibleng pagkawala ng refugee status ni Sison sa The Netherlands ngayon terorista na ang turing ng administrasyong-Duterte sa New Peoples Army.

Ngunit paglilinaw ng kalihim ang kanyang pahayag ay para sa lahat ng mga Filipino na nasa political asylum sa ibang bansa.

Banggit pa ni Cayetano napundi na si Pangulong Rodrigo Duterte sa NDF dahil sa kabila ng deklarasyon ng tigil putukan ay nagpapatuloy ang NPA sa pangongolekta ng revolutionary taxes at pagsusunog ng mga proyekto ng gobyerno, maging ng mga lehitimong negosyo.

Giit nito hindi naman maari na ang mga tinaguriang terorista ay magtatago sa konsepto ng pagiging political refugee sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?