By

Cayetano pabida sa 30th SEA Games

Sharing is caring!

Dalawang taon pa bago magsimula ang 30th Southeast Asian Games, sinigurado ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kahapon na lahat ng mga pasilidad ay magiging maayos pag host ng bansa sa biennial event.

Hinirang ni President Duterte bilang Chairman ng 30th SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) si Cayetano.

“We will make sure that no glitches would ruin our hosting of the Games,” saad ni Cayetano. “This early, even our major projects like the New Clark City has September of next year as target of completion. That’s a tall order, but it can be done.”

Ayon kay Cayetano, pagdadausan ng athletics at swimming events ay sa 9,450 hectare land ng New Clark City sa Capad, Tarlac.

Majority ng events ay gagawin sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ang ibang events ay gagawin sa Subic Freeport Zone sa Zambales at makakuha ng suporta sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

May mga gaganapin din event sa Metro Manila subalit pili lang ito tulad ng basketball at volleyball.

“But we will showcase spots outside of Metro Manila. The Sea Games are just around the corner and everyone with stake in the Sea Games have committed to making our third hosting of the regional meet a success,” hayag ni Cayetano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?