61

Nov 16, 2021 @ 16:12
By

Cayetano namudmod ng datung sa mga sari-sari store

Halos 6,000 may-ari ng sari-sari store ang nakatanggap na ng tulong pinansyal mula sa programa ni dating House Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Sa ilalim ng Sari-Saring Pag-asa program, nagbibigay si Cayetano ng P3,500 dagdag puhunan sa mga sari-sari store owner, na gaya ng karamihan ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Noong Sabado, 100 sari-sari storeowner ang tinulungan ni Cayetano—60 benepisyaryo mula sa Laoag City (Ilocos Norte), Urbiztondo (Pangasinan), at San Fernando City (La Union) at 40 na pinili sa online.

Umabot na sa 5,937 ang natulungan sa ilalim ng programa mula ng simulan ito ilang buwan na ang nakakaraan.

Nagpasalamat naman sina Ilocos Norte Rep. Ria Fariñas, Pangasinan Rep. Ramon Guico III at may-bahay nitong so Maan at San Fernando City, La Union Vice Mayor Alfredo Pablo Ortega sa tulong na inihatid sa kani-kanilang constituents.

Sinabi ni Cayetano na ang pagtulong sa maliliit na negosyo gaya ng sari-sari store ay mayroon ding tulong sa pag-angat ng ekonomiya.

Magpapatuloy umano ang programa para mas marami pang matulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?