496

Jun 24, 2022 @ 8:37
By

Cayetano naglakad sa mall, kinulit sa P10-K ayuda

Tawanan ang mga netizen sa isang video na ibinahagi sa Facebook, kung saan may isang lalaking pilit na tinatanong si senator-elect Alan Peter Cayetano tungkol sa P10,000 na ayuda.

Ang video, na ibinahagi ng FB user na si Kathy De Mesa Maniba, ay humakot na ngayon ng mahigit 10,000 shares mula nang ipost noong Huwebes.

Dito ay makikita si senator-elect Alan na naglalakad sa loob ng isang mall kasama ang kanyang asawa na si Taguig mayor-elect Lani.

Habang naglalakad, isang lalaki, na siya ring kumukuha ng video, ang tinatawag si Cayetano at nagsabing, “Sir, P10-K ko sir… sir P10-K.”

Dinedma lang ng mag-asawang Cayetano ang sambit ng lalaki.

Ang P10-K ay tungkol sa pangako ng senator-elect na pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya.

Nagsimula ito ng ihain ni Cayetano sa Kamara noong Mayo 2021 ang P10K Ayuda Bill, bilang pantulong sa mga naapektuhan noong pandemya.

Nang hindi pumasa ang naturang batas, inilunsad ni Cayetano ang mga programang Sampung Libong Pag-asa at Sari-saring Pag-asa na naglalayon din na magbigay ng ayuda.

Dahil dito, sumikat si Cayetano sa social media dahil sa kanyang pangako na P10,000 ayuda. Naging dahilan pa ito para gawan siya ng mga memes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?