60

By

Cayetano: May nagbabayad ng malaki sa media para siraan ang SEAG

Inakusahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano na may ilang indibiduwal na nagbabayad ng malaki sa malalaking media entity para siraan ang 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Cayetano sa panayam sa mga reporter sa San Juan, may mga naririnig siya mula sa mga kakilala na handang maglabas ng pera para magpakalat ng fake news tungol sa biennial event.

“It was only four or five websites na nagtapon ng mga fake news paulit-ulit. So anong tawag mo do’n? Even ilan sa mga media, umamin na sa amin na may umaagos na pera para siraan ‘yung SEA Games,” ayon sa Phisgoc chairman.

Aniya pa, hindi niya batid kung magkano ang binabayad sa media para siraan umano ang hosting ng SEA Games.

“I don’t know. I mean this were just told to me by close friends, and they told me, you know, buti na lang wala tumatanggap. Kasi nga for the country ‘to, pero kung ito ay pulitika o campaign ‘di ba? But you will see it you know for those—’yung networks n’yo na merong subscription sa mga metrics, makikita n’yo ahensyang-ahensya ang bumabanat at saka sa mga… ‘yung fake news na ‘to sunod-sunod makikita mo,” giit ni Cayetano.

Binalikan pa ni Cayetano ang mga report sa kikiam ang pinakain sa mga atleta, na base sa sinabi ng PH women’s football coach na si Let Dimzon.

“Wag po kayong magagalit ha kahit si Michael Jordan minsan kapag nafe-fakan lumilipad pa, eh ang problema pati sa media ni-report pa rin ‘yung fake news ‘di ba? So kita n’yo ‘yung sinasabing kikiam, it was a buffet, it was chicken sausage, mayrong egg, may rice. It’s nutritious for our athletes, yet kalat na kalat na, pero hindi naman kumakalat ‘yung sagot sa fake news,” aniya pa.

Ilan pa sa mga sinaad na fake news ni Cayetano ay ang hindi pa umano natatapos na swimming pool na napag-alaman na sa Nepal kuha ang larawan, maging ang hindi pa umanong tapos na football stadium sa Biñan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?