281

Oct 25, 2021 @ 12:57
By

Cayetano masaya sa pagiging independent

Masaya umano si dating House Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa pagiging independent candidate sa kanyang pagtakbo sa pagkasenador sa 2022 election.

“I’m happy being an independent, and I think it will give me the ability to talk to all the presidentiables who are willing to talk,” sabi ni Cayetano na pumunta sa Lucena City, Quezon para makipag-usap sa mga coconut farmer.

Binigyan ni Cayetano ng kopya ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magniniyog bilang simbolo ng pagtupad sa kanyang pangako.

Noong kampanya para sa 2016 elections, nangako si Cayetano at si Duterte sa mga coconut farmer ng Lucena na tutulungan ang mga ito. Si Cayetano ang running mate ni Duterte.

“It’s more sentimental, because we made a promise to coconut farmers together dito sa Quezon,” sabi ni Cayetano.

Dagdag pa ng mambabatas: “First and foremost, it’s our campaign promise of Duterte-Cayetano (to) farmers, coco farmers, secondly I was the principal author (in the) House. So I’m here to support that.”

Inamin ni Cayetano na hindi ito pabor sa lahat ng ginawa ng administrasyong Duterte pero marami rin naman umano itong tamang ginawa.

Mayroon pa umanong “last two minutes” ang administrasyon para tapusin ang mga natitira nitong proyekto at programa.

“At di ba tayong mga Pilipino, mahilig tayo sa basketball e, so yung last two minutes napaka-importante. Ang daming projects na pwedeng tapusin in the ‘last two minutes,’” sabi pa ni Cayetano.

Si Duterte ay manunungkulan hanggang Hunyo 2022. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?