236
cayetano
By

Cayetano: Magre-resign ako kung…

Sharing is caring!

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na handa siyang magbitiw sa puwesto dahil sa panibagong sigalot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Sa gitna ng mga panawagan ng kanyang pagbibitiw, ibinunyag ni Cayetano na dalawang bagay lang ang hinihintay niyang mangyari para bumaba siya sa tungkulin.

Aniya, kung ipag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay mag-resign ay hindi na siya magtatagal pa sa puwesto, gayundin kung mayorya sa mga opisyal at kawani ng Department of Foreign Affairs ang magsasabi na hindi na sila susunod sa kanya.

Kasabay nito, mariin ding itinanggi ng kalihim ang mga alegasyon na ginagamit niya ang DFA, partikular na ang lumabas na video ng rescue missions sa Kuwait, para isulong ang kanyang mga planong pulitikal.

“Bakit, nandoon ba ako sa video? Kung gagamitin ko sa pulitika, eh ‘di ako na pumunta doon, ako na ang nag-rescue. Napaka-obvious naman nu’n,” giit ni Cayetano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?