19,869

Mar 9, 2020 @ 18:21
By

Cayetano, mag-isang nag-‘Duterte fist bump’

Napuna ng netizen ang larawan kung saan mag-isang nag-Duterte fist bump si Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa litrato makikita si Cayetano na nasa gitna, sa ilalim ng House seal.

Nakipagkita siya sa mga kapwa kongresista na mga miyembro ng ruling PDP-Laban nitong Lunes, Marso 9.

Binahagi sa Twitter ng reporter na si Llanesca Panti ang litrato na mula umano kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.

Bago ang pagtitipon, magugunitang inakusahan ni Cayetano ang PDP-Laban member na si Lord Velasco na nagpaplanong patalsikin siya bilang House Speaker, na itinanggi naman ng huli.

Dumalo ang 35 na mambabatas sa meeting pero “no show” si Velasco.

“Xa lng ??” tanong ni @YrenCrizel.

Pero sa ikalawang litrato na binahagi sa social media ni Rappler reporter Mara Cepeda, makikitang naka-Duterte fist bump na ang lahat ng dumalo sa meeting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?