4,876

Nov 30, 2019 @ 12:46
By

Cayetano lusot sa SEAG issue: ‘Pag kakampi ni Duterte, ligtas agad sa korapsyon – Lacson

Pinatamaan ni Senador Panfilo Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte sa tila pag-abswelto nito kay Phisgoc chairman Alan Peter Cayetano sa umano’ y iregularidad sa 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Lacson, basta’t kaalyado ng Pangulo ay parang malinis agad ang pangalan sa korapsyon.

Ito’y kasunod ng naging pahayag ni Duterte na sigurado umani siyang hindi nangurakot si Cayetano sa pag-organisa ng SEA Games.

“When it comes to his close allies, the President regards them as ‘lily-white driven snow’ who are infallible and incorruptible. And we all know that’s not accurate,” ayon kay Lacson.

“When his allies are involved, there’s no hint of corruption. We all know that’s not true. [It’s as if] there’s no need for an investigation because they are incorruptible,” aniya pa.

Matatandaan na nagkasagutan sina Cayetano at Lacson dahil sa sinabi ng huli na tila kapareho ng pork barrel scam ni Janet Napoles ang ginawa ng Phisgoc nang makuha ang P1.5-billion pondo ng hindi dumadaan sa bidding.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?