79

Apr 7, 2021 @ 20:09
By

Cayetano ilalaban ‘P10K ayuda’

Hindi pa rin binibitiwan ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang panawagan nito na bigyan ng hindi bababa sa P10,000 tulong ang bawat pamilya ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Cayetano, bagama’t may tulong na maihahatid ang P1,000 ayuda na sisimulan nang ipamigay ng mga lokal na pamahalaan, malaki ang hinaharap na problema ng marami ngayon.

“Kung gaano kalaki ang problema (noong) March last year, mas malaki ang problema ngayon, after one year,” ani Cayetano.

Nanawagan din si Cayetano sa liderato ng Kamara de Representantes na magpatawag ng special session upang matalakay ang mga mahahalagang usapin ng bansa.

“Ang hinihingi ko po ay mag-special session at pag-usapan mismo sa floor, nandoon yung mga secretary, kung nasaan ang pera, kasi sinasabi nung isang panig, walang pera, sabi naman nung isang panig, meron, the best way to solve that is not through media or through interview, magpatawag kaagad ng special session,” wika pa ni Cayetano.

Tapos na umano ang Holy Week at panahon na para umaksyon sa mga kinakaharap na problema ng bansa.

“Nakapagdasal na po tayong lahat. Now, it’s time to put action to our faith,” dagdag pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?