By

Cayetano, hindi sisibakin – Palasyo

Sharing is caring!

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa puwesto si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa kabila ng panawagan ng iba’t ibang sektor at mga mambabatas na patalsikin na ito dahil sa tumamlay na relasyon ng Pilipinas at Kuwait.

Kasunod ito ng insidente ng ginawang pag-rescue ng embassy staff sa Kuwait sa distressed overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang employers.

Sinabi ni Roque na nananatili ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Duterte kay Cayetano at kung anuman ang problemang diplomatiko ngayon sa Kuwait ay inaayos na ito ng kalihim.

“Secretary Cayetano has President Rodrigo’s full trust and confidence,” ang maiksing sagot ni Roque.

Bukod sa ilang mambabatas na humihiling sa pagbibitiw ni Cayetano, sumulat din ang ilang career diplomats sa kalihim na magbitiw na ito sa puwesto dahil sa “gross incompetence” na nagresulta sa diplomatic standoff sa Kuwait.

Pinadalhan din ng kopya ng sulat ng foreign service officers ang tanggapan ni Pangulong Duterte.

Matatandaang nagalit ang gobyerno ng Kuwait sa viral video na inilabas umano ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan ipinakita ang pagsaklolo sa distressed OFWs sa bahay ng kanilang employers na naging dahilan para ideklarang persona non grata si Ambassador Renato Villa at pinabalik ito sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?