219
Cayetano, Binay, Go kumita sa mga donasyon noong 2019 elections
By

Cayetano, Binay, Go kumita sa mga donasyon noong 2019 elections

Sa pitong nanalong senador na nagpasa ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec) as of June 13, 2019, lumabas na kumita pa sina Pia Cayetano, Nancy Binay at Bong Go dahil hindi nila nagastos lahat ng kontribusyon na natanggap nila ng nakalipas na midterm elections.

Batay sa datos ng Comelec, nagpasa na ng SOCE sina Francis Tolentino, Grace Poe, Binay, Cynthia Villar, Go, Bong Revilla at Cayetano.

Nasa P75,200,000.00 ang nakatala sa “contributions received” ni Cayetano pero P73,714,198.55 lang ang nagastos nito sa eleksyon at kung susumahin, may natirang P1.5 milyon sa pondo ng senadora.

Gayundin si Binay na nakatanggap ng donasyon na P59,470,000.00 pero P56,785,472.82 lang ang iniluwa nito sa halalan, kaya may natira siyang P2.7 milyon.

Si Go naman na may kabuuang P162,035,537.34 na contributions received ay may gastos lang na P161,418,299.31, kaya higit P600,000 ang tira nito sa natanggap na kontribusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?