cayetano-silvestre
By

Cayetano, Bello: Hindi kami nagsigawan dahil sa Kuwait issue

Sharing is caring!

Mariing itinanggi nina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Labor Secretary Silvestre Bello ang ulat na nagbulyawan at nagsisihan sila sa pagkakaroon ng tensiyon ng Pilipinas sa Kuwait.

Sa isang pulong balitaan sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City kanina, sinabi ni Cayetano na hindi sila nagtalo at nagbatuhan ng sisi dahil pinaninindigan nila na wala silang ginawang mali nung magpasagip ng mga Filipinong kasambahay sa Kuwait.

“Nakalagay doon sa article (ng isang diyaryo), question mark naman, so parang nagtatanong. Nagtuturuan kami ng blame. We’re not blaming anyone because we don’t think we did anything wrong,” ani Cayetano.

Bukod dito, idiniin nito na hindi sila maaring magsigawan dahil hindi nakikipagsigawan si Belo.

“Unang-una, hindi kami pwedeng magsigawan kasi hindi marunong sumigaw si Secretary Bello. At papayagan ba naman ni Presidente na sisigawan ko ang mas senior sa akin at nirerespeto ko,” dagdag ni Cayetano.

Nagbiro pa na hindi rin niya masisigawan si Bello dahil malimit na ito ang nagbabayad ng kanilang pagkain sa kada buwan nilang pulong kasama ng pangulo.

“We’ve not always agreed, but parati kaming umuupo’ we have once-a-month meeting. And most of the time, siya ang nagbabayad, so bakit ko siya sisigawan? Baka singilin niya ako next time,” dagdag nito.

Iniulat na nagbulyawan ang dalawang kalihim sa Malakanyang noong nakaraang Linggo, bago lumipad si Duterte patungo sa Singapore.

Ayon kay Cayetano, wala itong katotohanan dahil wala sa Malacanang si Pangulong Duterte bagkus nasa Davao ito noong nakaraang Linggo.

Buong-buong inayunan ni Bello ang mga sinabi ni Cayetano.

“I second your statement. I wholly support your statement, Secretary Alan,” sabi ni Bello.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?