455

Nov 27, 2019 @ 21:52
By

Cayetano barado kay Ping: 2019 budget na-delay dahil sa Kamara

Itinuro ni Senador Panfilo Lacson sa P75 billion insertions ng Kamara sa proposed 2019 budget kaya nabinbin ang pagpapasa sa 2019 national budget.

Matatandaang ang pagka-delay sa pag-apruba sa national budget ang siyang idinadahilan sa mga aberya sa pagho-host ng bansa sa 30th SEA Games nina Speaker Alan Peter Cayetano at 1PACMAN party-list Rep. Mikee Romero.

“That’s too far from the truth. Everybody knows by now, it created a lot of controversies then. During the speakership of GMA (Gloria Macapagal-Arroyo) the budget was delayed because even after both houses ratified the bicam report, ‘yan ang final version, and yet they still inserted around P75 billion,” sabi ni Lacson sa isang panayam sa ANC.

Dagdag pa ni Lacson, hindi dapat sisihin ang Senado sa pagka-delay sa budget dahil kailangan nila itong himayin.

“That we could not agree to. So what we did was to again scrutinize and find out which of those P75 billion worth of projects ‘yung napasok after or post-bicam ratification,” dagdag pa niya.

“We did not cause it. It was the House of Representatives that really caused the delay in the passage of the budget,” wika pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?