21

Feb 17, 2020 @ 18:14
By

Cavs sisipain na ang coach

Sumugal ang Cleveland Cavaliers kay John Beilein noong May, nasa kalagitnaan na ang sumunod na regular season ay hindi pa gumagana ang mahika ng coach na nagbigay sa kanya ng maangas na reputasyon sa collegiate ranks.

Ngayon ay mukhang nagbabalak na raw maghanap ng bagong coach ang Cavs.

Mula kay Adrian Wojnarowski ng ESPN:

“Reporting with @WindhorstESPN: Cavaliers and John Beilein have discussed possibility of him stepping down as coach during the NBA All-Star break. No decision’s been reached. After signing 5-year deal to leave Michigan, Beilein’s struggled with transition to NBA.”

Nangungulelat sa Eastern Conference ang Cleveland sa 14-40.

“Cavaliers coach John Beilein is not expected to remain as head coach beyond the end of the season,” ulat naman ni Shams Charania ng The Athletic.

Huling coaches na naka-isang season lang sa kanilang first head coaching job sina Jason Kidd noong 2014 sa Brooklyn at si Igor Kokoskov sa Phoenix noong 2019. Naka-19-63 record si Kokoskov noon sa Suns, 44-38 si Kidd sa Nets.

Last coach na hindi nakatapos ng kanyang first season si Randy Ayers, sinibak ng Philadelphia noong 2004 pagkatapos ng 21-31 record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?