117

By

Cavs rookie Collin Sexton naki-UAAP fever din!

Present si Collin Sexton sa Finals game ng Magnolia at San Miguel, ngayon ay maging sa UAAP ay nasilayan din ang NBA player.

Nasaksihan ni Sexton ang buong laro kung paano nasungkit ng Ateneo ang kampeonato matapos payukuin ang UST Golden Tigresses sa straight set, 25-17, 25-22, 25-22.

Tutok ang NBA player sa game, napuno ang PH experience sa kanyang pagdalaw sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon at napapalakpak pa sa spike ni UST graduating star Sisi Rondina.

Sa Twitter, tinanong pa ni NBA PH managing director Carlo Singson kung sino dapat ang suportahan na team ni Sexton.

Sagot naman ni dating Ateneo volleybelle Gretchen Ho: “Where is he seated? Let me orient him”

Nandito ang Cavaliers guard para sa Jr. NBA Philippines National Training Camp.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?