192

By

Cavs player hiniwalayan nang makipaglandian sa BFF ng kapatid ng dyowa

Mukhang napatid na ang pasensya ni Khloe Kardashian sa kanyang dyowang NBA player na hindi lang bola ang pinaglalaruan.

Saad sa report ng TMZ, nakipaghiwalay na si Khloe sa Cavaliers center na si Tristan Thompson matapos umano nitong lokohin ang kanyang dyowa.

Ang mas masakit pa, ang kalandian umano ni Thompson ay si Jordyn Woods, ang BFF ng kapatid ni Khloe na si Kylie Jenner.

Matatandaan na nagkaroon din ng isyu dati si Thompson kaugnay naman ng video na nakitang nakikipaghalikan ang NBA player sa isang babae habang buntis ang kanyang girlfriend.

Madalas din umanong mag-message si Thompson sa mga babae sa Instagram.

Dahil sa nasabing insidente, in-unfollow din umano ng Kardashian family si Woods.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?