19

Oct 8, 2017 @ 11:52

Cavs natisod sa Pacers

Nakatikim ng talo ang Cleveland Cavaliers sa dumayong Indiana Pacers 106-102 nitong Sabado sa Quicken Loans Arena.

Sa ikalawang sunod na preseason game ay wala pa rin ang star ng Cavs na si LeBron James, inabot ng ankle sprain noong nakaraang linggo. Ang magandang balita, nakakapag-praktis pa rin si James.

Si Dwyane Wade ang bumalikat sa scoring ng Cleveland sa nilistang 20 points, may 17 si Jae Crowder.

Pakitang-gilas din sa Cavs si Derrick Rose na may 15 points, at nagdagdag si Kevin Love ng nine points, seven rebounds at five assists.

Pinangunahan ng 18 points ni TJ Leaf ang Indiana, nagdagdag ng 17 si Domantas Sabonis. May 14 points sa 6-for-12 shooting si Victor Oladipo, nahugot ng Pacers sa deal na nagbigay kay Paul George sa Oklahoma City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?