34
james
May 26, 2018 @ 13:13

Cavs nakapuwersa ng do-or-die Game 7 kontra Celtics

Ginawang sandalan ng Cavaliers ang naipundar nilang malaking kalamangan sa second quarter para tangayin ang panalo sa Game 6 laban sa Celtics, 109-99, sa Eastern Conference finals nitong Biyernes sa Boston (Sabado sa Pinas).

Dinomina ng Cleveland ang second quarter, 34-18, para itabla ang serye 3-3, at makapuwersa ng do-or-die Game 7.

Lalaruin sa Cleveland ang Game 7 sa Linggo (Lunes sa Pinas).

Tumapos muli ng dambuhalang 46 points si LeBron James habang tumulong din sina George Hill (20 points), Jeff Green (14) at Larry Nance (10).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?