28

Oct 11, 2017 @ 10:48

Cavs backcourt binalasa

Pumirma si Dwyane Wade na free agent sa Cavaliers na walang pangakong starting job.

Nakakuha siya ng isa.

Tapos paglaru-laruin ang lineup combinations, pinasya ni Cavs coach Tryonn Lue na mag-start si Wade sa shooting guard kasabayan sina Derrick Rose sa remodeled backcourt ng Cleveland.

Kalalagda lang ni Wade ng one-year contract sa Cavs, reunion bale nila ni LeBron James sa Cleveland tapos ng four seasons sa Miami.

Ngayo’y magkasangga ulit sila sa starting lineup.

Ilaladlad ni Lue ang new lineup — Wade, Rose, James, Jae Crowder at Kevin Love — sa exhibition game Martes ng gabi kontra Chicago, ang team ni Wade sa nakaraang taon. Papalitan ng 12-time All-Star si J.R. Smith, na manggagaling off the bench tapos mag-start ng 112 games sa nakalipas na two seasons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?