15

Aug 29, 2020 @ 17:48
By

Cavite susubukan na ang COVID-19 bakuna ng US, UK

Sa susunod na buwan sisimulan na ng Cavite provincial government ang mga clinical trial para sa coronavirus disease vaccine na gawa ng mga pharmaceutical company sa Amerika at United Kingdom.

Ayon kay Gov. Jonvic Remulla, nasa 10,000 katao ang sasalang sa mga trial, na pangangasiwaan ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute.

β€œIt should start in the next two weeks,” wika ni Remulla sa panayam sa ANC.

Karamihan ng mga participant ay edad 21 hanggang 45 na madaling kapitan ng virus dahil sa kanilang trabaho gaya ng mga pulis at driver ng pampasaherong sasakyan.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang city government sa isang telco firm para sa kanilang Free WiFi project para sa mga estudyante.

https://twitter.com/jonvicremulla/status/1299617300887134209

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?