261

Mar 20, 2020 @ 19:25
By

Cavite nakapagtala ng unang death toll sa COVID-19

Isang residente ng Cavite ang namatay sa coronavirus nitong Marso 20.

Ayon kay Cavite Gov. Juanito Victor Remulla, ang 76-anyos na lalaki ang unang residente nilang namatay dahil sa COVID-19.

Naninirahan ito sa Bacoor City at na-confine sa isang health facility sa lalawigan.

Nitong Biyernes, isang 70-anyos na lalaki mula sa Bacoor City at isang 47-anyos na babae mula sa bayan ng Rosario ang nagpositibo sa virus.

Umakyat sa sampu ang tinamaan ng COVID-19 sa Cavite.

Ito’y sa mga lungsod ng Bacoor, Dasmariñas, Imus at mga bayan ng Tanza at Silang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?