109

Apr 27, 2020 @ 12:15
By

Cavite lockdown kinakasa ni Remulla

Magpapadagdag pa ng pwersa ng Philippine Army si Cavite Governor Jonvic Remulla sa niluluto nitong lockdown sa kanilang probinsya.

Sa Facebook post ni Remulla, nag-report ito ukol sa mga bagong positibong COVID-19 patient sa Cavite, kung saan walo ang nadagdag, 161 sa kabuuan.

Aniya, kanyang kakausapin ang PH Army para mas maipaigting ang military presence sa Cavite, at kokonsulta din sa mga mayor para malatag ang gagawin sa oras na ipatupad ang lockdown.

“I will confer with the mayors later and get consensus on lockdown rules. I will contact the Philippine Army later for additional reinforcements,” saad ni Remulla.

“Let’s get ready. I will suggest that to the mayors that we start the lockdown sooner. Please prepare,” aniya pa.

Kasama ang Cavite sa mga lugar na extended ang enhanced community quarantine hanggang May 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?