40

Apr 14, 2020 @ 17:06
By

Cavite Gov. Remulla, pasalamat sa DLSU-HSI laboratory

Magandang balita ang inihatid ni Governor Jonvic Remulla nitong Martes para sa mga taga probinsya ng Cavite.

Ayon sa Gobernador, pasado na sa Level 4 Status ng DOH ang De La Salle University-Health Sciences Institute sa Cavite at maaari ng tumanggap ng coronavirus tests.

“Shout out to DLSU-HSI. They have been amazing with their work. I couldn’t have asked for a better partner for Cavite. Thank you again.” saad ni Gov. Remulla.


Nadagdagan narin ang PCR machine ng probinsya sa tatlo na magpapabilis sa kanilang serbisyo sa mga COVID-19 positive patients.

Ibinahagi rin ni Gov. Remulla na nakapagsimula na sa Bacoor, Imus at Dasmarinas ang mass testing at mas mabilis narin ang pag-labas ng COVID-19 tests.

Wika pa nito, “Expect the positive cases to increase but also expect the spread of the virus to decrease. We will exert all efforts to stop the spread of this virus.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?