Cavaliers winalis ang Raptors, abante na sa Eastern Conference finals

Sharing is caring!

Nakumpleto na ng Cleveland Cavaliers ang pagwalis sa Eastern Conference semifinals sa Toronto Raptors, 128-93, nitong Lunes (Martes sa Pinas).

Sa ikatlong pagkakataon, naipagpag ng Cleveland ang Raptors sa playoffs kung saan nagtala si James ng 29 points, 11 assists at 8 rebounds.

Ginamit ng Cavaliers ang pag-abante sa second quarter, 33-21, para kontrolin ang laro at makuha ang ika-10 sunod nilang pananaig sa playoff laban sa Raptors.

Nakakuha rin ng tulong ang Cleveland sa kanilang starters na nagtala rin ng dobleng pigura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?