5

Cavaliers semplang ulit, tinambakan ng 34 pts ng Raptors

Sharing is caring!

Naghahanap ng kasagutan si Cleveland Cavaliers star LeBron James sa ikalawa nilang sunod na pagkatalo laban naman sa Toronto Raptors, 133-99, nitong Huwebes (Biyernes, Manila time).

“I don’t know where it kind of went wrong or what happened,” ani James.

“We’ve got to try to pick it back up and find it.”

Matapos tambakan ng Minnesota Timberwolves ng 28 points, 127-99, nitong Lunes, sadsad na naman ang Cavaliers sa mas malaking kalamangan na 34 points laban sa Raptors.

Tiwala naman si Kevin Love na sa kabila nito ay makakatungtong pa rin sila sa finals sa apat na sunod na season.

Nakakuha naman ng superhero ang Raptors sa katauhan ni Fred VanVleet na nakaiskor ng 22 points kung saan naikonekta pa niya ang anim sa walong 3-point shots na kanyang ipinukol.

Ito’y sa kabila na absent si Toronto guard Kyle Lowry at suspendido si Serge Ibaka.

Hindi naman nakakatulong ang pagbalik ni Isaiah Thomas sa Cavs na matapos sumabak sa koponan ay nakaiskor lang ng apat na puntos sa

24 minutong tinagal sa playing court.

Hindi naman laylay ang laro ni James na tumulong ng 26 points para sa Cleveland (26-15).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?