33

May 29, 2019 @ 13:14
By ,

Cavaliers owner nagising na matapos ma-stroke

Gising na at nagpapahinga si Cleveland Cavaliers owner Dan Gilbert matapos nitong ma-stroke nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas), ayon kay Jay Farner, CEO ng Quicken Loans, ang kumpanyang tinanag ni Gilbert.

Sa inilabas na pahayag ni Farner, sinabi nito na biglang sumama ang pakiramdam ng 57-anyos na si Gilbert kaya minabuti na nga ng kasama nito na itakbo siya sa pinakamalapit na ospital at dito na nga nalaman na na-stroke na ito.

Sumailalim ito sa isang catheter-based procedure at dinala sa ICU para sa kanyang pagpapagaling.

Sa update nitong Lunes (Martes sa Pilipinas) sa kondisyon ni Albert matapos ang pahayag na inilabas din ng kumpanya sa pagkaka-ospital nito dahil sa “stroke-like symptoms.”

“Dan is awake, responsive and resting comfortably. Dan and his family are immensely grateful to the doctors and nurses whose early intervention is already paying dividends toward his recovery,” sabi ni Farner.

“We will update the public as additional details become known.”

Noong Marso 2005 ng makuha ni Gilbert ang Cavaliers at sa ilalim ng kanyang pamumuno nakatungtong sa limang NBA Finals at nasungkit ang titulo noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?