52

Dec 13, 2017 @ 16:18

Cavaliers, nagpaulan ng 3-pointers sa panalo kontra Hawks

Pinaulanan ng 3-point shots ng Cleveland Cavaliers ang Atlanta Hawks para masiguro ang panalo, 123-114.

Naibuslo ng Cavaliers ang season-high 20 three-pointers sa laban, kung saan umiskor ng 25 si LeBron James at pinantayan ang kanyang career-high 17 assists.

Bunga nito’y naitala ng Cavs ang NBA records sa 3s sa regular-season at playoff game.

May 20-of-38 (53%) mula sa 3-point range ang koponan.

Hindi naman nagpatalo ang Hawks at mayroon ding sariling bomba ng tres na umabot sa 16 kung saan napanipis nila ang lamang ng Cavs mula sa 24-point deficit sa fourth quarter ngunit kinapos pa rin sa huli.

Ayon kay Cavs coach Tryronn Lue sa ESPN, dahil umano siguro sa dami ng double-teaming kaya nakakapasa si James sa mga kakampi na tumira ng tres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?