cavaliers

Cavaliers burado sa Pacers; ika-3 sunod na talo nalasap

Sharing is caring!

Nalasap ng Cleveland Cavaliers ang ikatlo nilang sunod na talo nang padapain ng Indiana Pacers, 97-95, nitong Biyernes (Sabado, Manila time) sa Indianapolis.

Maagang bumulusok ang Cavs na abante, 34-12, sa unang quarter pero nagawang bumalik ng Pacers at makontrol ang huling bahagi ng laro.

Bunga nito ay nakabawi ang Pacers mula sa pagkatalo sa Miami Heat.

Umakyat sa 22-20 ang Indiana, na pinangunahan ng 22 points ni Darren Collison.

Nagdagdag din ng puntos si Victor Oladipo na 19, habang gumawa ng 16 mula sa bench si Lance Stephenson.

Hindi pinalaro para sa Cleveland ang apat na mahahalagang guwardiya nila na sina Dywane Wade, Isaiah Thomas, Derrick Rose at Iman Shumpert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?