264

Jul 5, 2018 @ 10:09
By

Catriona, transwoman ang kabanggaan sa Miss U

Ang ganda ng sagot ni Miss Universe-Philippines 2018 Catriona Gray tungkol sa isyu na isang transwoman ang kandidata ng Spain sa Miss U this year.

Ang sabi ng 24-anyos na pambato ng Pilipinas, wala siyang problema na makipag-compete sa isang transgender wo­man.

Si Angela Ponce ng Spain ay gumawa ng history last weekend nang manalo ito sa kanyang bansa at maging unang transwoman na sasali sa Miss Universe.

Sumakto pa sa selebrasyon ng Pride Month ang pagwawagi ng 26-anyos na si Ponce.

Ayon kay Catriona, “Personally, I have no problem with it. But I do understand why there is quite an uproar amongst all the fans and different people looking at the issue because it is a very young discussion about the LGBTQ and especially coming into the arena of pageantry where it’s traditional that it’s naturally born women.

“But you know, I think it really depends, one, on the Miss Universe Organization, if they allow it and that’s their prerogative. And also the bansa or the country itself.

“If that contestant who maybe transgender can go through the casting process, become a candidate, get judging and earn the right to represent her country, then why not?

“Who are we to say, ‘You know, that’s wrong.’ I mean, it’s the discretion talaga of the organization itself,” pahayag ni Gray sa interview sa kanya ng ABS-CBN News.

Noon pang 2012 pinayagan ng Miss Universe organization na sumali ang transgender contestants sa nasabing international pageant, pero ngayon lang may nakapasok na kandidata.

Ang sabi ni Catriona, na nanalong Miss World-Philippines nu’ng 2016, mas mature at mas ma­tindi ang drive niya ngayon sa kanyang 2nd international pageant.

Si Angela Ponce ay suma­li rin sa Miss World-Spain nu’ng 2015, pero nabigo itong makuha ang korona.

Maraming netizen ang hindi pabor na kasali na ang mga trans sa Miss Universe dahil may ibang pageant naman daw para sa mga ito.

Anila, ibigay na dapat ang Miss U sa mga ipina­nganak na babae at hindi dumaan sa anumang sex reassignment.

Kung trans daw ang mananalong Miss Universe ay a­yawan na!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?