672

Jul 5, 2019 @ 19:32
By

Catriona tinawag na mataba: Beauty queen kinuyog ng mga basher

Nakakuha ng suporta mula sa iba’t ibang bansa si 2018 Miss Universe Catriona Gray matapos pintasan ng isang beauty queen mula sa Thailand.

Nag-ugat ang batikos kay Miss Grand Nakhon Phanom 2019 Coco Arayha Suparurk matapos tawaging “fat” si Catriona.

Kumalat ang screenshot ng kanyang Instagram Story noong July 4, kung saan kinumpara niya ang mga katawan ni Miss Grand International 2018 Clara Sosa ng Paraguay at ni Catriona.

Nilagay niyang description sa larawan ni Sosa ay “FIT” habang kay Catriona ay “FAT”.

Hindi ito ikinatuwa ng mga netizen at sinabing nakakalungkot na nagmula pa ang panlalait sa aspiring international beauty queen na dapat maging role model ng pagiging modest woman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?