388

By

Catriona sumabak sa ‘Chambe’ dance challenge

Bago umalis patungong Bangkok, Thailand para sa Miss Universe pageant, nagpakitang-gilas muna sa pagsayaw si Catriona Gray.

Sa video na in-upload ng Star Music nitong Sabado, lutang ang ganda ni Catriona habang sinasayaw ang viral na “Chambe” dance na pinasikat ni Alex Gonzaga.

Miss Universe Philippines 2018, Catriona Gray doing the Chambe Dance Challenge!! #ChambeDanceChallenge #CatrionaGray

Posted by Star Music PH on Saturday, December 15, 2018

Kasalukuyan ngayong nasa Thailand si Catriona para irepresenta ang Pilipinas sa Miss U sa darating na December 17.

Agad naging usap-usapan ang pambato ng bansa dahil sa “slow-mo twirl” o lava walk nito sa swimsuit portion ng preliminary competition noong Huwebes.

Maging ang kilalang modelo na si Tyra Banks ay napa-wow dito.

Aniya, isa itong “Pinoy Power to the Max!!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?