1,024

By

Catriona, Sam magdyowa na

May nagtsika sa akin na marami ang nagdududang there’s something romantic going on between Miss Universe 2018 Catriona Gray and Sam Milby?!

Ang bongga!

Naniniwala ako sa nagtsika sa akin, kaya baka sa 2020, maging open na sina Catriona at Sam sa bagay na ‘yon, huh!

Eh, ngayon pa naman, pareho silang mina-manage ng Cornerstone ni Erickson Raymundo, kaya mas nadadalas ang pagkikita’t pagsasama nila.

Sa Christmas party nga ng Cornerstone the other night ay parehong um-attend sina Catriona at Sam.

Sabi sa akin ng kausap ko, bagay sina Catriona at Sam sa isa’t isa.

Pareho rin daw mabait sina Catriona at Sam, kaya bagay na maging sila, ‘noh?!

Ang bongga!

Sabi pa nga pala ng kausap ko, bagay rin sila sa isa’t isa dahil pareho silang mahilig sa music. Parehong magaling kumanta sina Catriona at Sam, huh!

Teka! Wala kaya silang balak mag-collaborate at maglabas ng isang duet?

Puwede!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?