4

Jul 13, 2020 @ 12:42
By

Catriona sa natuwa sa ABS-CBN shutdown: Lumambot sana pusong bato n’yo

Heartbroken si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa hatol ng mga mambabatas sa ABS-CBN franchise renewal.

Biyernes sa Instagram, humingi siya ng tawad para sa mga nasaktan sa desisyon ng House Committee on Legislative Franchises na huwag payagang magpatuloy ang operasyon ng Kapamilya network.

Pinagdasal naman niya ang mga nagbunyi sa hatol ng Kamara, at sa huli ay sinambit na hinding-hindi siya makalilimot sa nangyari.

“For the disheartened. For the hurting. I’m so sorry. For those who delight in the suffering of others, I pray your hardened hearts be softened,” sey ni Queen Cat.

“We continue on. But we will never forget,” bigkas pa niya.

Sa dulo ay naglakip siya ng emojis na Philippine flag at mga puso na kakulay ng ABS-CBN logo, kabilang ang isang broken heart.

Sa botohan ng naturang House committee, Biyernes, 70 kongresista ang pumabor na i-deny ang franchise renewal ng ABS-CBN.

11 ang tumutol, 2 ang nag-inhibit, at 1 ang nag-abstain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?