208
Catriona pinataas ang standard ng Miss Universe - Pia
Dec 8, 2019 @ 17:51
By

Catriona pinataas ang standard ng Miss Universe – Pia

Malalaman na ispesyal ang isang reign ng Miss Universe titlist kapag pinuri ito ng kaparehong beauty queen.

At ito ang nakamit ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, na isa sa pinaka-iconic na dilag na kinoronahan sa top beauty pageant sa buong mundo.

Bukas ay ipapasa na ni Catriona ang kanyang korona, at sa kanyang huling araw bilang Miss Universe ay nagpasalamat siya sa nga tumulong sa kanyang journey bilang pinakamagandang dilag sa buong mundo.

“My last night as reigning @missuniverse and my emotions are all over the place,” ayon sa IG post ni Cat.

“Gratitude for this amazing opportunity… for all of you amazing souls who have endlessly supported me and joined me on this journey.”

Sa nasabing post ni Catriona ay nag-comment naman ang kapwa Pinay at Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Saad ni Pia, pinataas umano ni Catriona ang standard ng mga susunod sa kanya bilang Miss U at nagpasalamat din sa pagwagayway ng bandila ng Pilipinas.

“An amazing Miss Universe. You set the bar so high! Congratulations, Cat!” ayon kay Queen P.

“You really inspired so many people, including me!” aniya pa. “Thank you for raising our flag.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?