16

Jun 10, 2021 @ 20:40
By

Catriona pinaboran ng QC Prosecutor’s Office vs tabloid editor, writer

Inirekomenda ng Quezon City Prosecutor’s Office ang paghahain ng kasong libel laban sa Bulgar entertainment editor at writer kaugnay sa inilabas na artikulo tungkol sa “nude” photos ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Pinakakasuhan ng libel sa korte sina entertainment editor Janice Navida at writer Melba Llanera.

Maliban sa libel, pinakakasuhan din si Navida ng cyber libel kaugnay naman sa Facebook post tungkol kay Gray.

Sa inilabas na headline ng Bulgar, mababasa ang: “After ng bantang pasabog ni Clint… NUDE PHOTOS NI CATRIONA KALAT NA!”

Lumabas naman sa Facebook page ng Bulgar ang isang litrato ng topless na babae, na sinabi umano ni Navida na si Catriona.

P30,000 ang piyansang inirekomenda para sa mga akusado para sa kasong libel at panibagong P48,000 para kay Navida sa cyber libel.

Sa Instagram ibinahagi ng abogado ni Gray na si Atty. Joji Alonso ang kopya ng desisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?