39

May 14, 2021 @ 14:49
By

Catriona: Paano nagkakasya sa bagahe mga dambuhalang costume?

Nagtaka si Miss Universe 2018 Catriona Gray kung paano ang diskarte ng ilang kandidata sa mga naglalakihang national costume.

“Will always wonder…how did they fit these huge, larger than life costumes in their luggage?!” tweet ni Catriona.

sa namang netizen ang nagbalik ng tanong kay Cat dahil noong sumabak siya sa Miss Universe ay higanteng parol ang kanyang sinuot.

Paliwanag ng beauty queen, pina-ship lang niya ang kanyang malaking parol.

Binida ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang kanyang PH flag-inspired na costume, kung saan nagmistulang pakpak ang asul at pulang kulay sa watawat ng bansa.

Maraming netizen naman ang bumilib na kinayang rumampa ni Rabiya suot ang lampas 20 kilong costume.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?