41

May 18, 2021 @ 15:36
By

Catriona nakapiling na parents sa Australia

Matapos ang mahigit isang taon ay nayakap na ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang mga magulang sa Australia.

“1 year and 4 months later… finally reunited with my mama and papa bear. Family is everything. Thank you God for answering my prayers,” caption ni Catriona sa photo habang yakap ang kanyang ama.

Nitong buwan lumipad pa-Australia si Gray at dumaan sa dalawang linggong quarantine sa hotel.

Ilan sa bumati kay Gray sina Gary Valenciano: “I long to see my family too Cat. Thank you for sharing this and encouraging me that I too will get to someday see those who mean so much to me…my family.”

At Iza Calzado: “So happy for you and your family!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?