68

May 6, 2021 @ 18:07
By

Catriona naka-quarantine sa Australia

Lumapag na sa Australia si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Kinailangan niyang mag-quarantine sa isang hotel bago makapiling ang kanyang pamilya.

“Good morning from Adelaide! 🇵🇭 2 days down, 13 days to go for mandatory hotel quarantine,” caption niya sa Instagram post ngayong May 6.

Nagtungo sa Australia si Catriona dahil mahigit isang taon na niyang hindi nakikita ang mga magulang.

“I’ve been calling my parents everyday, we’re all so excited. I can’t remember a time that I felt so much anticipation in the last year.

“In deciding to come here to Australia I had to choose to either cancel/postpone work or to not see my family – and I feel like one of the biggest realizations I’ve had in this season is that relationships and family are the most important things – so it was an easy sacrifice to make.”


Kamakailan binalita niya na matapos ang mga rescheduled at flight cancelation, swab test, stress, application ay makakauwi na siya sa Australia para makita ang kanyang parents “for the first time in one and a half years.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?