25

Sep 19, 2020 @ 22:13
By

Catriona nagsampa ng libel vs tabloid editor, writer

Rumesbak at naghain na ng libel complaint laban sa entertainment editor ng Bulgar at writer nito si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Kaugnay ito sa inilabas ng tabloid na pekeng larawan ng beauty queen na naka-topless sa bathtub.

Kinumpirma ito ng abogado ni Gray na si Atty. Joji Alonso nitong Sabado sa ulat ng Inquirer.

Kahapon, Sept. 18, ng umaga raw isinampa ang kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Magugunitang nagpasaklolo si Gray sa National Bureau of Investigation para matukoy ang mga nasa likod ng edited niyang “hubad na larawan”.

Nag-demand din siya ng public apology mula sa Bulgar at humingi ng P10 milyong danyos dahil umano sa idinulot na “immeasurable damage” ng inilabas nitong larawan.

Ayon sa Bulgar, inilabas nila iyon para tulungan si Gray na linisin ang kanyang pangalan kaugnay sa kumalat na pekeng topless photo ng beauty queen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?