50

Jan 15, 2021 @ 21:22
By

Catriona nagpainit sa Instagram

Hot na hot sa kanyang latest Instagram post si Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos umabot sa 11 milyon ang kanyang followers.

Ginulantang ng beauty queen ang mundo ng Instagram sa litrato habang naka-bra at panty with matching accessories lamang siya.

“Feeling fierce having 11 MILLION of you to share this journey with. Thank you for your never ending support. I’m always grateful,” caption ni Catriona.

Lampas na sa kalahating milyon ang nag-heart sa larawan at bumati sa natamong milestone ng nobya ni Sam Milby.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?