52

Mar 6, 2020 @ 21:33
By

Catriona, nag-donate ng P100,000 para sa mga batang may bingot

Bumisita si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa La Union noong weekend.

Dinala niya roon ang kanyang misyon na “Smile Train” para sa mga batang nangangailangang maoperahan ang cleft lip at palate noong Marso 1, 2020, ayon sa Good News Pilipinas.

Bahagi ito ng 170th Founding Anniversary ng La Union.

Batid daw ni Catriona ang naitutulong sa mga batang may bingot ng operasyon na nagkakahalaga ng nasa P30,000.

Nagbibigay ang “Smile Train” ng libreng operasyon sa mga batang may bingot nang libre.

Nakapagbibigay umano ito sa mga bata ng tiwala sa sarili at nakakapaglapit sa kanila sa lipunan.

Sa naging pagbisita ay itinurn-over ng beauty queen ang tseke na nagkakahalaga ng P100,000 sa Smile Train Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?