160

Nov 23, 2021 @ 19:41
By

Catriona may sarili nang bahay

Hindi na “nomad” si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa Instagram, ipinakita ng beauty queen ang loob ng nabili niyang bahay.

Ani Catriona, bata pa lamang siya ay pangarap na niyang magkaroon ng sariling bahay. Nangungupahan lamang siya sa iba’t ibang lugar.

“Since leaving home at 17 I’ve always dreamed of having a place of my own. For the past 10 years I’ve been a nomad, I’ve rented and moved from place to place. But earlier this year, I finally called a home MINE. #CasaDeGray,” caption niya.

Dagdag niya, susuportahan niya ang mga gawang Pilipino dahil ang mga bibilhin niyang gamit sa kanyang bahay ay mga local furniture.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?