94

By

Catriona, kain galore sa kanyang 25th birthday

Sharing is caring!

Sa unang pagkakataon, sa New York City nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ibinahagi ng Filipina-Australian beauty queen kung paano niyang ipinagdiwang ang 25th birthday sa Skype interview sa kanya ng TV5.

Ani Catriona, isinelebra niya ang kanyang special day sa paglilibot sa Big Apple.

“I explored New York for my birthday. I went around, had a day off. I ate a lot, I watched the Broadway, I went to Sherry’s. It was an amazing day,” aniya.

Noong Linggo, January 6 ang kaarawan ni Catriona.

Dumating siya sa New York City noong nakaraang linggo para umpisahan ang duties niya bilang Miss Universe.

Ito’y matapos ang sikretong pagbabasyon niya sa Pilipinas noong holidays.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?