33

Nov 16, 2020 @ 19:37
By

Catriona ibinida sa Colombian magazine

Nagningning ang ganda ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa cover ng isang magazine sa Colombia.

Nasa Colombia si Catriona matapos siyang kuning judge para sa national pageant ng naturang bansa.

Sa kanyang Instagram account shinare ng beauty queen ang naturang cover niya para sa La Revista Actual.

Nakasuot siya ng yellow gown na kuha sa National Museum of the Philippines.

“My first magazine cover in Colombia ??thank you @larevistaactual for having me on your publication talking about my visit to Colombia with a purpose,” caption ni Catriona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?